GEN. NAKAR, Quezon (Eagle News) – Pinagkalooban ng Gawad Pagkilala ang Iglesia Ni Cristo ni Municipality Mayor Eliseo R. Ruzol ng Gen. Nakar, Quezon dahil sa pagmamalasakit nito sa kalinisan ng kapaligiran at kalikasan. Ang certificate ay tinanggap ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North.
Sunod-sunod na gawaing sibiko ang isinagawa ng INC sa mga bayan ng Real at Infanta. Sa Bayan naman ng Gen. Nakar ay muling nagkaisa ang mga kaanib ng INC sa isang aktibidad na “Linis Dalampasigan at Tree Planting” na pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito.
Tumulong din sa nasabing aktibidad ang mga sumusunod:
- Philippine Army (1IB, 2ID) sa pangunguna ni Col. Christopher C. Tampus
- Philippine National Police (PNP Gen. Nakar), MPS, pinangunahan ni PSI Suaverdez,
- Child-fund Philippines at ReINa Federation of Parents Assns. Inc., pinangunahan ni Mrs. Lorenza Francisco
- Barangay Officials,
- Local Government Unit ng Gen. Nakar, pinamunuan ni Mayor Eliseo R. Ruzol.
Tumanggap din ng gawad ang mga pulis at sundalo sa nasabing okasyon. Naging masaya at mapayapa ang aktibidad at minsan pang napatunayan ang malaking nagagawa ng pagkakaisa sa ikauunlad at ikagaganda ng kumunidad.
Courtesy: Nice Gurango