Dagupan City Agriculture Office, ipinag-utos na iparehistro ang lahat ng mga bangkang de motor

Ilan sa mga bangkang de motor sa Dagupan City na ginagamit sa pangingisda.

DAGUPAN CITY, Pangasinan (Eagle News) – Ipinag-utos ng Dagupan City Agriculture Office sa lahat ng mga operator sa lungsod na iparehistro ang kani-kanilang mga bangkang pangisda upang makaiwas sa aberya.

Ayon kay City Agriculture Officer Emma Molina, ito ay kaugnay ng ipatutupad na City Ordinance No. 1768 series of 2003 na nagre-require na dapat iparehistro ang lahat ng mga motorboat na ginagamit sa pangingisda o passenger vessel na nag-ooperate sa siyudad.

Alinsunod ito sa ibinabang Executive Order 305 ng MalacaƱang na nag-uutos sa lahat ng mga Municipal at City Government na iparehistro ang fishing vessels na mayroong tatlong tonelada pababa ang bigat.

Batay sa record ng City Agriculture Office, nasa 500 na motorboats ang nag-ooperate bilang mga fishing at passenger vessel sa Dagupan.

Batay sa ordinansa ay nasa halagang P1,350 ang registration fee ng bawat motorboat.

Nora Dominguez – Eagle News Correspondent